Monday, September 27, 2010

2nd Periodical Test in Araling Panlipunan

Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF LIGAO CITY
Ligao City

ARALING PANLIPUNAN IV
Ikalawang Panahunang Pagsusulit

Pangalan__________________________ Paaralan_____________________ Iskor _______________

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

____1. Masisipag at matitiyaga ang mga manggagawang Pilipino, anuman at saanman ang kanilang gawain. Ang mga katangiang ito ang dahilan kung bakit _________.
a. marami sa mga Pilipino ang walang trabaho.
b. Marami sa mga Pilipino ang nakapagtatrabaho sa ibang bansa.
c. Maraming Pilipino ang naghahanap ng trabaho.
d. Maraming manggagawang Pilipino ang mahilig mag-over time.
____2. Alin sa mga sumusunod ang kailangan ng isang entreprenyur upang makalikha ng produkto at serbisyo?
a. Lupa at capital
b. Lupa, lakas paggawa at capital
c. Lakas paggawa at capital
d. Lupa at lakas paggawa
____3. Itinuturing ang isang entreprenyur bilang ulo ng negosyo. Nangangahulugan ito na ang kanyang gawain ay __________________.
a. Maging manggagawa
b. Pamahalaan ang buong negosyo
c. Maghanap ng magpapatakbo ng negosyo
d. Taga-utos sa mga empleyado
____4. Ang kasanayang entreprenyural ay mahalagang sangkap sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang kanilang kontribusyon ay nauugnay sa
a. Produksyon
b. Pagkonsumo
c. Pamamahagi
d. Pag-imbento
____5. Ang negosyo na ang pagmamay-ari ay nasa kamay ng dalawa o higit pang tao.
a. sosyohan b. korporasyon c. kooperatiba d. isahang pagmamay-ari
____6. Ito ay binubuo ng mga kasapi ng kabahagi sa puhunan at tubo; ang layunin nito ay makapagbili ng produkto at makapagbigay ng paglilingkod sa mga kasapi sa pinakamababang halaga.
a. sosyohan b. korporasyon c. kooperatiba d. isahang pagmamay-ari
____7. Ang paglikha ng produkto at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao.
a. suplay b. output c. produksyon d. industriyalisasyon
____8. Ito ay sumasakop sa lahat ng orihinal at lahat ng hindi napapalitang yaman ng kalikasan.
a. lupa b. lakas-paggawa c. puhunan d. entreprenyur
____9. Ang tawag sa pansamantalang paghinto sa trabaho ng nakararaming manggagawa sa kompanya bunga ng isang alitang industriyal.
a. welga b. assembly c. boycott d. pagpupulong
____10. Ang pinakamahalagang salik ng produksyon.
a. lupa b. lakas-paggawa c. puhunan d. entreprenyur

No comments:

Post a Comment